Ayon kay Police Col. Michael Lebanan, director ng Cotabato City police, hinagis ng isa sa dalawang suspek ang hand grenade sa bahay ni Hasan Silongan Zaman sa Malagapas Phase 2 housing project dakong 7:00 ng gabi.
Si Zaman ay dating overseas Filipino worker.
Maswerte namang nakaligtas si Zaman makaraang tamaan lang ng shrapnel sa kaniyang panga.
Ani Lebanan, hinarang ng mga residente ang mga suspek matapos masaksihan ang pag-atake.
Nagpaulan ng bato ang ilang residente sa mga suspek at dito na binunot ng isang suspek ang caliber .45 pistol dahilan para mabaril si Mohammad Ampatuan.
Nakatakas ang dalawa nang iwan ang dalang motorsiklo.
Sinabi ni Lebanan na posibleng personal na away ang motibo ang naturang pag-atake.