Batas sa eleksyon nais maamyendahan ni Sen. Koko Pimentel

Radyo Inquirer File Photo

Upang magkaroon ng pantay na media access ang lahat ng mga partido pulitikal at kandidato sa halalan, nais ni Senator Koko Pimentel III na mabago ang isang probisyon sa Fair Elections Act.

Sa inihain niyang Senate Bill No. 1991, gusto ni Pimentel na maamyendahan ang Section 6 ng naturang batas.

Katwiran ni Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, sa batas ngayon, napapaboran ang mga kandidato na may pambabayad para sa kanilang campaign ads sa telebisyon at radyo at nagiging dehado ang mga mahihirap ngunit kwalipikadong kandidato.

Sa kanyang isinusulong na Equitable Media Access for Electoral Candidates Act, gusto ni Pimentel na magkaroon ng pinagmasamang limitasyon na 80 minutong advertisements sa TV at 120 minuto sa radyo ang mga kandidato at partido, binili man nila ang oras o donasyon sa kanila.

Samantala, lilimitahan naman sa 60 minutes TV advertisement at 90 minutes radio advertisements ang para sa mga lokal na kandidato at partido.

Read more...