Iniutos na ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagdedeploy ng mahigit sa 50 immigration officers nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang karagdagang tauhan na ipupwesto sa mga Immigration counters sa arrival at departure areas.
“I have also directed our Port Operations Division (POD) to implement stricter measures in screening all arriving and departing passengers and to ensure that enough manpower are available in our airports to service the needs of the traveling public,” ayon kay Morente.
Pinatitiyak din ng immigration sa kanilang Port Operations Division ang mas mahigpit na screening sa lahat ng parating at paalis na mga pasahero.
Ayon kay BI POD Chief Grifton Medina, nag-isyu na sila ng memorandum sa kanilang mga tauhan na nagbabawal sa lahat ng Immigration airport personnel, gayundin sa mga terminal heads at duty supervisors, na lumiban sa trabaho mula ngayon hanggang sa April 22.
Tanging ang mga tunay na emergency situation ng BI personnel ang papahintulutang mag-leave sa itinakdang 10 day period.
Tiniyak ng Bureau of Immigration na gagawin nito ang lahat para mapigilan ang anumang tangkang pagpuslit sa bansa ng mga sindikato na maaring magsamantala ngayong holiday season.