Tangkang paglalayag ng Otso Diretso sa Scarborough Shoal publicity stunt lang – Malakanyang

Publicity stunt.

Ito ang maiksing tugon ng Malakanyang sa tangka ng mga kandidatong senador ng Otso Diretso na maglayag patungo ng Scarborough Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tagumpay na maituturing ang publicity stunt ng Otso Diretso dahil nakukuha na nito ang atensyon ng mga tao.

Gayunman, ayon kay Panelo, malinaw na nagpapansin lamang ang mga taga Otso Diretso.

Una rito sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na wala namang nagbabawal sa mga taga Otso Diretso na maglayag sa Scarborough Shoal.

Read more...