LOOK: Paggunita sa Araw ng Kagitingan sinabayan ng protesta kontra China

Sinabayan ng protesta ng iba’t ibang grupo ang paggunita ngayong araw ng Araw ng Kagitingan.

Nagmartsa at ang iba ay nagbisikleta patungo sa harapan ng Chinese Embassy sa Makati City ang grupong “PINAS” o Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya para iprotesta ang presensya ng Chinese Military sa West Philippine Sea.

Kabilang sa sumama sa protesta ay sina senatorial candidates Neri Colmenares, Chel Diokno, at Leody De Guzman.

Bahagi ng protesta ang maiksing aktibidad, kung saan pinangunahan ng singer na si Bayang Barrios ang pag-awit ng Pambasang Awit.

Sigaw ng grupo, “Atin ang Pinas” kaya dapat lumayas sa West Philippine Sea ang China.

Read more...