Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaring malagdaan ni Pangulong Duterte ang budget sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo bago ang Semana Santa.
Ayon kay Nograles, inihahanda na rin ng pangulo ang paglalabas sa veto message ng budget.
Pagtitiyak ng kalihim, hindi hahayaan ni Pangulong Duterte na mag-lapse into law ang pambansang budget nang hindi nito inaaksyunan.
Isa sa nakikita ni Nograles na magiging implikasyon ng pagkaantala ng 2019 national budget ay ang pagkakapatung-patong ng mga nakalinyang proyekto ng gobyerno na popondohan nito.
Gayundin ang mga papasok na bagong proyekto na popondohan naman ng 2020 panukalang pambansang budget.