PDEA nagbabala sa mga nagpapanggap na opisyal at tauhan ng ahensya at nangingikil sa publiko

Nagbabala sa publiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa mga nagpapanggap na opisyal ng PDEA at nangingikil sa publiko.

Sa abiso ng PDEA Region X Director Wilkins Villanueva, sinabi nitong may mga nagpapanggap bilang opisyal at tauhan ng PDEA at nanghihingi ng cellphone load.

Pakiusap ni Villanueva sa publiko agad isumbong sa kanila kung may malalamang ganitong modus.

Maaring mag-text o tumawag sa PDEA hotline na 09173015553 at 09399167911.

Read more...