6 arestado sa buy-bust sa Zamboanga City

Arestado ang anim na katao sa ikinasang buy-bust operation sa Estrada Drive sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City.

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bahay sa lugar dahil sa hinihinalang ginagamit itong drug den.

Doon nadatnan ang mga suspek at nakuhanan sila ng 21 sachet ng hinihinalang shabu.

Tinatayang aabot sa P68,000 ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.

Mahaharap ang anim sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous drugs Act of 2002.

Read more...