Ayon sa PAGASA, sa Science Garden sa Quezon City, nakapagtala ng maximum na temperatura na 35 degrees Celsius, pero umabot sa 38.2 degrees Celsius ang heat index.
Sa NAIA sa Pasay City, 35.7 degrees Celsius ang maximum na temperatura kahapon at umabot sa 40.4 degrees Celsius ang heat index.
Sa Port Area sa Maynila, 34.4 degrees Celsius ang maximum temperature at umabot sa 38.3 degrees Celsius ang heat index.
Ayon sa PAGASA, normal na nakapagtatala ng mas mainit na temperature sa bahagi ng NAIA sa Pasay kumpara sa ibang lugar sa Metro Manila.
Ito ay dahil sa mas kakaunti ang puno sa nasabing lugar.
MOST READ
LATEST STORIES