14 na nasawi sa mass shooting sa California, kinilala na ng mga otoridad

from abc7.com
from abc7.com

Inilabas na ng mga otoridad sa San Bernardino, California ang listahan ng pangalan ng mga nasawi sa mass shooting sa isang social service center.

Ang listahan ay inilabas ng San Bernardino County Sheriff’s Office matapos makumpleto ang pag-notify sa kaanak ng mga nasawi.

Narito ang pangalan ng mga nasawi sa San Bernardino mass shooting:

• Shannon Johnson, 45, Los Angeles.

• Bennetta Bet-Badal, 46, Rialto.

• Aurora Godoy, 26, San Jacinto.

• Isaac Amanios, 60, Fontana.

• Larry Kaufman, 42, Rialto.

• Harry Bowman, 46, Upland.

• Yvette Velasco, 27, Fontana.

• Sierra Clayborn, 27, Moreno Valley.

• Robert Adams, 40, Yucaipa.

• Nicholas Thalasinos, 52, Colton.

• Tin Nguyen, 31, Santa Ana.

• Juan Espinoza, 50, Highland.

• Damian Meins, 58, Riverside.

• Michael Wetzel, 37, Lake Arrowhead.

Isa sa mga biktima ay mayroong post sa kaniyang facebook ng gabi bago ang naganap na pamamaril.

Ayon sa post ni Thalasinos, mayroon siyang natanggap na death threat mula sa isang “anti-Semitic” Facebook user. “you will never sucsseed [sic] to make a country for jews, because you are criminals and cowards, you are juste using usa and Europe to fight for you, soon you ll get your ass kicked, you will die and never see Israel as country believe me never,” nakasaad sa mensahe na natanggap ni Thalasinos.

Sa nasabing pag-atake, 14 ang nasawi at 21 ang nasugatan. Sa mga nasugatan, mayroong sampu pa ang nasa ospital.

Read more...