Sa isang statement sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na ang embahada ay hinihimok ang mga Pinoy na pauwiin na ang kanilang dependents sa bansa para sa kanilang kaligtasan.
“The Philippine Embassy reiterates its call for Filipino nationals living and working within a 100-kilometer radius of Tripoli to consider having themselves repatriated in view of the escalation of fighting near the capital,” ani Cato.
Ayon kay Cato, tutulong ang Embassy sa repatriation ng mga Pinoy.
Pero pinayuhan nito ang mga gustong maiwan sa Tripoli na manatiling alerto at mag-ingat.
“They must steer clear of areas where fighting is taking place and to move to safer locations if possible,” he said. “Those who need emergency shelter are advised to call the Embassy for assistance.”
Dapat din anyang limitahan ng mga Pilipino ang kanilang mga kilos at iwasang lumabas sa kanilang mga bahay hanggang maging normal ang sitwasyon.
“Our kababayan are also strongly advised against taking part or even going near any public demonstrations or armed formations. They should also refrain from making social media comments about the political situation in the country,” dagdag ng opisyal.