Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, easterlies pa rin ang umiiral sa Central at Southern Luzon at eastern sections ng Visayas at Mindanao.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Quezon, Bicol Region, eastern at Central Visayas at buong Mindanao.
Ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay posibleng makararanas lang ng biglaang buhos ng ulan partikular sa hapon o gabi.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Ezra Bulquerin, wala namang inaasahang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlong araw.
MOST READ
LATEST STORIES