4 arestado sa pagpapaputok ng baril sa Quezon City

Timbog ang apat na security guards matapos umanong magpaputok ng baril sa Brgy. Old Balara, Quezon City.

Lasing umano ang apat na sekyu na nambato ng mga bahay at nagpaputok ng kanilang mga shotgun.

Walang natamaan ng bala pero nagdulot ng takot ang ginawa ng mga security guards dahilan para magsumbong sa pulis ang mga residente.

Nakuha ng mga tauhan ng QCPD Station 6 sa apat ang dalawang shotgun at isang revolver.

Nagnegatibo sa alcohol breath analyzer ang mga sekyu at handa naman ang mga ito na sumailalim sa paraffin test.

Itinanggi ng tatlo ang mga alegasyon at iginiit na sila ay napagbintangan lamang.

Ngayon ay nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa gun ban ang apat na security guards.

Read more...