Xian Gaza humingi ng paumanhin sa Bureau of Immigration

Screengrab of Xian Gaza FB video

Humingi ng pasensya ang netizen na si Xian Gaza sa Bureau of Immigration kasunod ng kanyang post kung paano umano siya nakalusot sa airport kahit mayroon itong mga arrest warrant.

Sa kanyang Facebook video, sinabi ni Gaza na hindi niya intensyon na dungisan ang imahe at kredibilidad ng ahensya.

Sa video ay sinabi rin ni Gaza na umaasa siya na hindi siya mabibigyan ng sanction o makakasuhan dahil sa kanyang ginawa.

Gayunman, sa comment section ng kanyang post ay nilinaw nito na humingi siya ng pasensya sa mga damages na naidulot sa BI bunsod ng kanyang rebelasyon pero hindi niya sinabi na gawa gawa at fake news ang pangyayari.

Sa kanyang thread post ay ikinuwento ng netizen kung paano siya nakalabas ng bansa at nalusutan umano ang mga tauhan sa airport kabilang sa Immigration kahit mayroong siyang 3 arrest warrants.

Sinabi naman ng ahensya na peke ang post ni Gaza at plano nilang sampahan ito ng kaso.

Read more...