Komite ng AFP hahawak ng reklamong hazing, pag-abuso sa ilalim ng mandatory ROTC

Bubuo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng grievance committee na hahawak sa mga reklamo ukol sa hazing at pag-abuso sakaling muling ipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay AFP Reserve Command commander Brig. Gen. Rolando Rodil, ang mga miyembro ng komite ay mula sa AFP, Department of Defense at Department of Education.

Ang mga biktima ng hazing at pag-abuso ay dapat na maghain ng written complaint sa grievance committee.

Paliwanag ni Rodil, ang reklamo ay dapat na sinumpaan at pirmado ng complainant.

Sunod anya dito ay mag-convene ang komite at susuriin ang katotohanan ng reklamo.

Bibigyan naman ng pagkakataon ang inireklamo na magbigay ng counter-affidavit at kapag napatunayang guilty ay irerekomenda ang dismissal ng akusado.

Read more...