M3.7 na lindol tumama sa Batanes

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Batanes alas-8:53 gabi ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong limang kilometro Timog-Kanluran ng Basco.

Isang kilometro lamang ang lalim ng pagyanig at tectonic ang pinagmulan nito.

Naramdaman ang Intensity III sa Basco, Batanes.

Hindi naman nakapinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...