DOH: Uminom ng tubig at umiwas sa araw para iwas heat stroke ngayong tag-init

Muling nagpayo si Health Sec. Francisco Duque III ng halaga ng pag-inom ng tubi mula 8 hanggang 12 baso para maiwasan ang dehydration sa gitna ng matinding init.

Ayon kay Duque, ang dehydration ay posibleng magdulot ng mas malalang kundisyon gaya ng heat exhaustion at ang nakamamatay na heat stroke.

Paliwang ng kalihim, heat exhaustion muna ang kundisyon pagkatapos ay heat stroke na mahigit 40 degrees Celsius ang lagnat.

Dagdag ni Duque, kapag na-dehydrate ay apektado ang organs ng tao.

Pinayuhan din ng opisyal ang publiko na umiwas sa direktang sikat ng araw mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Kung hindi ito maiwasan ay mabuti anyang gumamit ng sunblock at magdala ng payong, pamaypay at tubig.

Ayon pa kay Duque, ang matanda at bata ang mas delikado kapag mainit ang panahon kaya dapat ang ibayong pag-iingat sa kanilang kalusugan ngayon nakakaranas na ang bansa ng mataas na temperatura.

Read more...