Ito ay kasunod ng mga kumakalat na ulat na hindi pinapayagang makapaglayag ang mga Pinoy na mangingisda sa naturang isla.
Sa media briefing, sinabi ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, walang bawal mangisda sa isla.
Wala rin aniyang natatanggap na official report ng pang-haharass sa mga Pinoy na mangingisda sa lugar.
Kamakailan, nasa 600 na Chinese vessel ang sinasabing nag-iikot sa Pag-asa Island simula pa noong buwan ng Enero.
Kasunod nito, sinabi ni Hermogino na nag-deploy ng mga vessel at maritime assets ng PCG para matutukan ang galaw sa bisinidad ng Pag-asa Island.
Alam aniya ng PCG ang presensya at mga aktibidad ng Chinese vessels sa pinag-aagawang teritoryo.
Dagdag pa nito, nagpapadala aniya sila ng ulat sa National Task Force sa West Philippine Sea para gumawa ng aksyon ukol dito.