Sa Facebook, sa datos hanggang April 8, 2019, sinabi ng Department of Tourism (DOT) na nasa kabuuang 12,083 na room ang maaaring i-book ng mga bakasyunista na nais bumisita sa kilalang tourist destination.
Kabilang sa mga establisimyento ang Fairways and Blue Water Resort at Savoy Hotel Boracay sa Barangay Yapak na may pinakamaraming bilang ng kwarto sa isla.
Kinakailangang magkaroon muna ng permit at clearance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga establisimyento bago makapag-operate sa Boracay.
Matatandaang muling binuksan sa mga turista ang Boracay matapos ang anim na buwang pagsasara sa isinagawang rehabilitasyon.