Water summit, inihirit ni Sen. JV Ejercito kay Duterte

Bunga ng lumalalang epekto ng El Niño phenomenon, hiniling ni Senador JV Ejercito kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag na ng water summit.

Sinabi ni Ejercito na nagiging banta sa suplay ng pagkain ang tagtuyot.

Aniya, lagpas na sa P5 bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Cebu, Zamboanga Sibugay at North Cotabato, na pawang nasa ilalim na ng state of calamity.

Dagdag pa ni Ejercito, praktikal ang pagdaraos ng water summit para mabigyan tugon na ang sitwasyon.

Binanggit pa nito na may babala na ang PAGASA na maaring umabot pa sa Agosto ang nararanasang tagtuyot at marami pang mga lugar ang maaring magdeklara ng state of calamity.

Read more...