Nakatakdang magtayo ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ng Mapagkalinga Centers sa Mindanao.
Ayon kay PCSO Chairman at OIC-General Manager Anselmo Simeon Pinili, itatayo ang P268 million-multi purpose building sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Tagum City at Davao Regional Medical Center (DRMC).
Naisumite na aniya ang proposed project kay Pangulong Rodrigo Duterte at umaasa silang kaagad masimulan pagkatapos ng election ban at matapos din sa loob ng isang taon.
Sa oras na matayo na ang mga ito, dito tutuloy ang mga pasiyente kasama ang kanilang mga watchers habang nag-aantay sa kanilang medical treatment.
Sinabi ni Pinili na sa ngayon, aabot sa 650 ang walk-in patients kada araw sa SPMC, at 400 naman sa DRMC mula sa iba’t ibang probinsya sa Mindanao.
Napili ang Mindanao bilang kauna-unahang mapagbibigyan ng multi-purpose center na ayon kay Atty. Gay Nadin Alvor, chairperson ng Gender and Development Focal Point System(GAD-FPS), bilang ito naman daw ang aniya’y “least service area” ng hospitalization assistance program ng PCSO.
Ang DRMC at SPMC rin aniya ang pilot beneficiaries ng proyekto dahil sa strategic role nito bilang nangungunang government tertiary hospital sa Mindanao.