Lakaki, timbog makaraang mahulihan ng P2M halaga ng shabu sa Pampanga

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng P2.1 milyong halaga ng shabu sa Mabalacat City, Pampanga.

Ayon sa Mabalacat City police, huli ang suspek na si Johaiver Hadjiamen, 39-anyos, sa ikinasang buy-bust operation sa harap ng grocery store sa Barangay Dau.

Ani Lt. Col. Maharlika Oscal Villasis, hepe ng Mabalacat City police, lumipat ng tirahan si Hadjiamen o kilala rin bilang Dacula sa Barangay Balibago sa Angeles City.

Nakuha sa suspek ang malaking plastic package at 13 maliliit na pakete ng shabu.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...