Duterte, hindi makikiaalam sa pagpili ng susunod na house speaker

Hindi makikisawsaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng susunod na speaker sa Kamara de Representates.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi naging ugali ng sangay ng ehekutibo na pakialaman ang trabaho ng sangay ng lehislatura.

Bahala na aniya ang mga kongresista na pumili sa susunod nilang lider sa Kamara.

Una rito, sinabi ni Panelo na nakatanggap siya ng text message mula kay Davao del Norte Antonio Floreindo Jr. na nagpapahayag na nais niyang makisali sa karera ng speakership.

Ilan din sa mga lumutang na posibleng pumalit sa puwesto ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sina dating Senador Alan Peter Cayetano, Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Read more...