Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa Batanes, Lunes ng umaga.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 29 kilometers Southeast ng Basco dakong 10:59 ng umaga.
May lalim itong 13 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil dito, naramdaman ang Intensity IV sa Basco, Uyugan, Sabtang, Ivana, Mahatao sa Batanes.
Naitala naman ang Intensity III sa Itbayat, Batanes.
Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa aftershock matapos ang pagyanig.
READ NEXT
Batas na ‘Doble Plaka’ sa mga motorsiklo, maaring maremedyuhan sa amendments ng IRR – Palasyo
MOST READ
LATEST STORIES