Tugon ito ng Palasyo sa pangamba ng motorcycle riders na safety risk ang metal plate sa harapan at tumama sa drayber.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, hindi pa maipatutupad ang batas hanggat walang IRR.
Ayon kay Panelo, base sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Senador Richard Gordon, may-akda ng batas, decal o sticker lamang at hindi metal plate ang plaka na ilalagay sa harapan ng motorsiklo.
Una rito, bagamat nilagdaan na ang batas, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pabor na lagyan plaka ang harapan ng motorsiklo dahil mapanganib sa disgrasya at kakausapin na lamang si Gordon para maremedyuhan ang batas.
Ayon kay Panelo, wala pang iskedyul kung kailan mag-uusap ang pangulo at si Gordon para sa doble plaka.
Bukod sa dalawang plaka, inaayawan din ng pangulo ang multang P50,000 para sa mga lalabag sa batas.
Masyado aniyang mataas ang multa at dapat ibaba sa P10,000 hanggang P15,000 na lamang.