GSW, nanguna sa Western Conference matapos matalo ang Clippers sa iskor na 131-104

Muling nasungkit ng Golden State Warriors ang top seed para sa Western Conference.

Ito ay makaraang matalo ang Los Angeles Clippers sa kanilang huling regular-season game sa iskor na 131-104.

Umarangkada si Stephen Curry sa laro dahilan para makapagbigay ng 27 points sa koponan.

Gumawa naman ng 6 out of 7 field goals si Kevin Durant na bahagi ng kaniyang 16 points at 7 assists.

Nagpasalamat si Warriors coach Steve Kerr sa walang sawang suporta ng mga fans sa Oracle Arena manalo o matalo ang koponan.

Read more...