Sa press briefing, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, nasa kabuuang 59,298,986 na ang naimprinta balota hanggang Arpil 7, 2019.
Katumbas aniya ito ng 93.15% percent ng kailangang balota sa nalalapit na eleksyon.
Ayon sa Comelec, kailangan na lamang gawin ang mga balota para sa National Capital Region (NCR).
Inaasahan aniyang matatapos ang pag-imprinta ng natitirang 4,363,495 ngayong linggo.
Matatandaang sinimulan ang pag-imprinta ng mga balota noong February 9, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES