Nagbanta ang pangulo ng revolutionary government matapos hikayatin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Punong Ehekutibo na maghinay-hinay sa utos na i-review ang lahat ng government contract at loan agreements na pinasok ng gobyerno.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ang banta ng pangulo ay pagbibigay-babala sa mga pasaway na hindi niya sasantuhin ang mga taong gumagawa ng ilegal na gawain.
“It was more of an exasperated expression to put on notice the transgressors that he will not just sit idly and watch them do their illegal things,” ani Panelo.
Halimbawa na aniya ang mga kriminal, ang mga drug personalities, mga kurakot na opisyal ng gobyerno, mga rebelde, local at foreign terrorists at iba pang mga kalaban ng estado.
“The threat, if it is a threat, is not against the people but precisely against their enemies, the criminals, the people manning the illegal drug industry, the corrupt bureaucrats, the greedy politicians, the communist rebels, foreign and local terrorists, and other enemies of the state,” pahayag pa ni Panelo.
Hindi aniya mag-aatubili ang pangulo na gamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ng konstitusyon para pangalagaan ang taong bayan at estado.