Ama patay, asawa at anak sugatan sa pag-araro ng truck sa Camarines Sur

Nasawi ang isang ama makaraang magulungan ng tanker truck sa Bula, Camarines Sur Lunes ng madaling-araw.

Sugatan naman ang asawa at limang anak nito sa naturang aksidente.

Ayon sa pulisya, naararo ng truck na kargado ng mga mantika ang bahay ng mga biktima sa Barangay Pawili.

Nag-overtake umano ang trak sa bahagi ng highway sa Sitio Banasi.

Paliwanag naman ng drayber, iniwasan niya ang isang kotse na kasalubong nito.

Mahaharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting in homincide, damages to property at multiple physical injuries.

Read more...