Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa panawagan ng limang senador sa Amerika na palayain na si Senador Leila de Lima at ibasura ang kaso laban kay Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa pati na ang pagsusulong na imbestigqahan ng international community ang extra judicial killings sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tahasang panghihimasok na sa pamamalakad ng katarungan ng bansa ang ipinasang resolusyon nina US Senators Edward Markey, Marco Rubio, Richard Durbin, Marsha Blackburn at Chris Coons.
Iginiit pa ni Panelo na nakakalimutan ng limang senador na ang Pilipinas ay malayang bansa at hindi na kolonya ng Amerika.
Dagdag ni Panelo, nagpapagamit lang ang limang senador ng Amerika sa mga grupong nais ibagsak sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Niliwanag ni Panelo ang pagkakakulong ni De Lima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa opoerasyon ng ilegal na droga samantalang ang kaso naman ni Ressa ay may kaugnayan sa paglabag sa tax evasion law at anti\-dummy law.
Iginiit din ni Panelo na ang ukol naman sa isyu ng umanoy EJK na may kaugnayan sa anti-illegal drug war ng pamahalaan ay hindi kinukonsenti ng gobyerno ang pagpatay ng walang dahilan.
Binigyang-diin ni Panelo karamihan sa mga napapatay sa anti-illegal drug war ng pamahalaan ay pawang lumaban sa lehitimong police operations.