2 vintage bomb natagpuan sa isang bakanteng lote sa La nion

Natagpuan ang dalawang vintage bomb sa Barangay San Nicolas West sa bayan ng Agoo sa La Union.

Ayon sa La Union police, ang bomba ay natagpuan ng isang lalaki sa isang bakanteng lote sa nasabing barangay.

Ayon kay Monico Aspiras, chairman ng nasabing barangay, hindi nila alam kung saan galing ang bomba at kung sino ang nagdala nito sa kanilang lugar.

Sa pagsusuri, wala nang fuse at pin ang bomba at dinala na sa Explosives and Ordnance Division sa Camp Florendo sa San Fernando City.

Read more...