Halaga ng itataas sa presyo ng produktong petrolyo inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis

Nag-anusyo na ng halaga ng magiging dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Seaoil at Shell, mayroon silang dagdag na 25 centavos sa kada litro ng gasolina, 20 centavos sa kada litro ng diesel at 10 centavos sa kada litro ng kerosene.

Ang Petro Gazz ay may parehong halaga ng dagdag presyo sa kanilang gasolina at diesel.

Ang taas-presyo ng mga nabanggit na kumpanya ng langis ay epektibo bukas, April 9, alas 6:00 ng umaga.

Read more...