P12 hanggang P31 na dagdag singil sa kuryente, ipatutupad sa April bill ng Meralco

Inanunsyo na ng Meralco ang halaga ng ipatutupad na dagdag singil sa kuryente ngayong buwan ng Abril.

Sa abiso ng Meralco, may dagdag na ₱0.0633 bawat kilowatt hour sa kanilang singil sa kuryente.

Magre-reflect ito sa April bil ng consumers.

Ang naturang dagdag ay katumbas ng P12.60 para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

P18.90 para para sa mga kumokonsumo ng 300 kilowatt hour kada buwan.

P25.20 na dagdag para sa mga kumokonsumo ng 400 kilowatt hour kada buwan.

At P31.50 para sa mga kumokonsumo ng 500 kilowatt hour kada buwan.

Una nang sinabi ng Meralco na magdudulot ng dagdag sa generation charge nila ang sunud-sunod na pagtataas ng yellow alert sa Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba ng kuryente.

Read more...