Luzon Grid muling isasailaim sa yellow alert

Dahil sa manipis na reserba ng kuryente muling sasailaim sa yellow alert ang Luzon Grid.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippinews (NGCP), iiral ang yellow alert mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 4:00 ng hapon.

Ang available capacity kasi para sa Luzon Grid ay nasa 11,267MW habang aabot naman sa 10,438MW ang peak demand.

Inaasahang iaanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang mga planta na naging dahilan ng muling pagnipis ng reserba ng kuryente sa Luzon.

Read more...