‘Art of assassination’ pinapaaral ni Pangulong Duterte sa mga pulis at sundalo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Suterte ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na aralin ng husto ang art of assassination.

Ito ay para matapatan ng pamahalaan ang sparrow unite ng New People’s Army.

Ayon sa pangulo, hindi dapat na magpadehado ang pamahalaan sa rebeldeng grupo.

Kung mayroon aniyang sparrow unit ang NPA, dapat mayroon ding sparrow unit ang pamahalaan.

Kung ano aniya ang gagawin ng sparrow unit ng npa sa pamahalaan ay dapat ganun din ang iganti ng gobyerno.

Matatandaang makailang beses nang inatasan ng pangulo ang AFP na bumuo ng sparrow unit para ipangtapat sa rebelde g grupo.

“Been telling you sparrow, sparrow, sparrow. Kasi kukunin talaga nila ‘yan, ‘yang armas na ‘yan. Para sa kanila, ‘pag makakita ng armas ‘yung NPA, hindi ka hintuan niyan hanggang… So you — sabi ko, learn the art of assassination. Ngayon sabi ko, ito totoo ‘to. Kung may sparrow ang NPA, bakit wala akong sparrow? O? ‘Di sabi ko sa kanila, well, you form a unit, kung maghanap lang rin para sparrowhin (sparrow) ‘yung NPA,” ayon sa pangulo.

Read more...