K-pop group na “TWICE” may show sa Pilipinas sa Hunyo

Magpe-perform sa Pilipinas ang K-pop group na TWICE sa buwan ng Hunyo.

Sa kanilang Twitter account, inanunsyo ng grupo ang serye ng kanilang shows bilang bahagi ng 2019 world tour nito.

Kasama sa pupuntahan ng grupo ang Manila sa June 29, 2019. Wala pa namang detalye kung saan eksakto gaganapin ang show at kung kailan mag-uumpisa ang ticket sales.

Bahagi din ng world tour ang Bankok, Seoul, Singapore at Los Angeles.

Sa April 22 ay ilulunsad ng TWICE ang kanilang comeback album na may titulong “Fancy You”.

Read more...