Target ng buy-bust operation ang isa sa apat na suspek sa Brgy. Toril, pero nang isagawa ang operasyon ay nadatnan ang tatlong iba pa na gumagamit ng ilegal na droga.
Aabot sa 18 sachet ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mga suspek na tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES