Maglive-in partner arestado sa buy-bust sa QC

Arestado ang mag-live in partner sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.

Target ng operasyon ang isang construction worker nang isagawa ang buy-bust sa Brgy. E. Rodriguez.

Naaresto din ang kaniyang kinakasama.

Nakuhanan ang dalawa ng 11 sachet ng hinihinalang shabu.

Itinanggi naman ng dalawa na gumagamit sila ng ilegal na droga pero aminado ang lalaking suspek na binabayaran siya ng P500 para magbagsak ng shabu sa lugar.

Read more...