Kalihim ng Department of Homeland Security nagbitiw sa pwesto; Trump may napili nang kapalit

Isa na namang miyembro ng gabinete ni U.S. President Donald Trump ang nagbitiw sa pwesto.

Sa kaniyang tweet, inanunsyo ni Trump na aalis na sa kaniyang pwesto si Kristjen Nielsen na secretary ng Department of Homeland Security.

Pinasalamantan naman ni Trump si Nielsen sa serbisyo nito.

Inanunsyo din ni Trump na ang kasalukuyang Customs and Border Protection Commissioner na si Kevin McAleenan ang napili niyang pumalit kay Nielsen.

Itinalaga niya si McAleenan bilang acting secretary ng Homeland Security.

Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng pagbibitiw ni Nielsen.

Wala ring binanggit kung boluntaryong nagbitiw sa pwesto si Nielsen o siya ay pinilit na magbitiw.

Read more...