Cybercrime cases sa bansa lumobo ng 291% noong 2018

Tumaas ng 291 percent ang bilang ng mga indibidwal na naaresto dahil sa cybercrime ayon sa datos ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (ACG).

Ayon sa ACG, 729 ang cybercriminals na naaresto noong 2018 na 291.93 percent na mas mataas kumpara noong 2017 kung kailan 186 lamang ang nahuli.

Kabilang sa 729 ang 178 foreigners na nakapambiktima sa loob ng bansa at sa abroad sa pamamagitan ng iba’t ibang online scams.

Umabot sa 128 ang operasyong isinagawa ng ACG noong 2018 kabilang ang 98 kaso na may foreign counterparts ang mga suspek.

Ipinagmalaki naman ni ACG director Brig. Gen. Marni Marcos ang pagkakaaresto sa mas maraming suspek dahil sa cybercrime-related offenses sa kabila ng kakulangan ng police unit sa tauhan.

Ang tagumpay anya ng mga operasyon ay dahil na rin sa tumaas na kamalayan ng publiko tungkol sa ACG at sa mga cybercrimes.

Umabot naman sa 4,104 incidents ng cybercrime ang naiulat sa ACG ayon na 84.20 percent na mas mataas sa 2,228 incidents noong 2017.

Read more...