Naging kontrolado ng Lady Spikers ang buong laro dahilan para makamit ang ikawalong panalo sa loob ng 11 laban nito.
Nakapagtala ang star rookie na si Jolina dela Cruz ng 13 points kasama ang 9 attacks, 2 blocks at 2 aces.
Kinakailangan na lamang ng La Salle ng isang panalong laro para matiyak ang spot sa Final Four.
Sa ngayon, nasa ikalawang pwesto sa team standing ng tournament ang defending champion.
Samantala, bumaba naman sa team standing ang Lady Falcons sa kanilang 1-10 win-loss record.
MOST READ
LATEST STORIES