MIAA, nagpaalala para sa maayos na biyahe ng mga pasahero sa Holy Week

Nagpaalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga airline company na tiyaking maayos ang magiging biyahe ng mga pasahero para sa darating na Holy Week.

Inaasahan na kasi aniya ang unti-unting pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan simula ngayong linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na dapat maging istrikto ang airline companies pagdating sa iskedyul ng kanilang departure at arrival flights.

Samantala, inabisuhan din ni Monreal ang mga pasahero na iwasang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa paliparan.

Read more...