CHR, kinondena ang pag-kidnap sa 4 katao sa Oriental Mindoro

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-kidnap sa isang barangay chairman at tatlong iba ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Bansud, Oriental Mindoro.

Dinakip ang mga biktimang sina Barangay chairman Peter Delos Santos, Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) Civilian Active Auxiliary member Raymundo Malupa at dalawang sibilyan na sina Ruth delos Santos at Rocky Boy Bueta.

Sa inilabas na pahayag, nanawagan ng hustisya si Atty. Jacqueline de Guia, tagapagsalita ng CHR, para sa mga biktima.

Aniya, ang pag-kidnap ay isang paglabag sa karapatang kalayaan at paglabag sa batas ng bansa.

Samantala, pinalaya na ang tatlo sa apat na biktima bandang 12:36 Linggo ng madaling-araw.

Read more...