LOOK: Darren Criss at kaniyang misis, nagbakasyon sa El Nido, Palawan

Photo grab from Darren Criss’ Instagram account

Masayang nagbakasyon ang Hollywood actor na si Darren Criss kasama ang kaniyang asawa na si Mia Swier sa El Nido, Palawan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Darren ang kanilang larawan ni Mia sa Miniloc Island Resorts.

Hindi naman malinaw kung kailangan nakunan ang nasabing larawan.

Ikinasal sina Darren at Mia noong buwan ng Pebrero kung saan suot ni Darren ang barong na dinisenyo ni Francis Libiran.

Kamakailan, gumanap si Darren bilang Andre Cunanan sa anthology series na “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.”

Read more...