Kim Kardashian-West, planong magdaos ng CBD-themed party para sa ikaapat na anak

Excited na si Kim Kardashian-West sa pagsilang ng kaniyang ikaapat na anak ni Kanye West.

Dahil dito, plano ng reality star na magdaos ng isang CBD o cannabidiol-themed party para sa baby shower nito.

Ang cannabidiol ay isang chemical compound mula sa cannabis plant.

Ayon sa report, sinabi ni Kim na maaring magpamasahe at mayroong tea ceremony para makapag-relax ang mga bisita.

Isasabay din sa baby shower ang pag-promote ng kaniyang bagong sunglasses line.

Sinabi pa ni Kim na sawa na ito sa pagdaraos ng mga tradisyonal na baby games at showers matapos ang kaniyang tatlong anak.

Dagdag pa nito, dapat ipagdiwang ang surrogacy situation para sa kanilang ikaapat na anak ni Kanye.

Read more...