66 delegasyon ng Biliran sa palaro sa Eastern Visayas, naospital dahil sa food poisoning

Biliran Island photo

Animnaput-anim na delegasyon ng Biliran Division sa 2019 Eastern Visayas Regional Athletic Association (Evraa) ang dinala sa ospital dahil sa food poisoning.

Ayon sa ulat, 20 biktima ang dinala sa Ospa Farmers Medical Center, 30 sa Ormoc District Hospital habang 16 sa Ormoc Doctors’ Hospital.

Samantala, 29 sa mga biktima na dinala sa ospital ay stable na ang kundisyon at nakabalik na sa eskwelahan kung saan sila nananatili.

Ang delegasyon ng Biliran, na binubuo ng mga atleta at iba pang may kaugnayan sa naturang palaro, ay nananatili sa New Ormoc City National High School.

Ayon kay Lalaine Marcos ng Rotary club of Ormoc Bay, ang grupo ay may sariling cook at caterers.

Iniimbestigahan ng Ormoc City Health Office sa pamamagitan ni Dr. Edmund Kierulf ang dahilan ng food poisoning ng delegasyon ng Biliran.

Read more...