Metro Manila, nagtala ng pinakamataas na temperatura para sa 2019 ngayong Sabado

Naranasan ng Metro Manila ang pinakamainit na araw ng taon nang umabot ang aktuwal na temperatura sa 35.4 degrees Celsius araw ng Sabado.

Ayon sa Pagasa, naitala ang 35.4 degrees Celsius sa Science Garden monitoring station sa Quezon City dakong 3:50 ng hapon.

Pero ang katumbas nitong heat index o ang init na naramdaman ng katawan ay nasa 37.2 degrees Celsius dahil sa mataas na humidity ng hangin.

Dagdag ng Pagasa, ang heat index na nasa pagitan ng 32 hanggang 41 degrees Celsius ay pwedeng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion at ang patuloy na aktibidad ay posibleng magresulta sa heat stroke.

Ang heat index ay kalimitang dalawa hanggang tatlong degrees Celsius na mas mataas kumpara sa actual air temperature.

Sa datos ng Pagasa, ang pinakamataas na temperatura sa bansa sa kasaysayan ay 40.2 degrees Celsius na naitala sa Tuguegarao, Cagayan noong May 11, 1969.

Samantalang ang hottest day sa Metro Manila ay nasa 38.5 degrees Celsius na naitala noong May 14, 1987.

Read more...