Ayon kay National Bureau of Investigation Assistant Regional Director Rommel Vallejo, naaresto si De Guzman sa isang safe house sa Silang, Cavite nito lamang gabi ng Huwebes.
Dinala na sa NBI si De Guzman para sa mga kaukulang proseso kasunod ng pag-aresto sa kaniya.
Una nang may mga inilabas na warrant of arrest para kay De Guzman at sa asawa ng biktima na si Dahlia Pastor dahil sila ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kay Enzo.
Samantala, nagpasalamat naman ang pamilya Pastor sa mga tauhan ng NBI sa pagkakahuli sa pumatay sa kanilang kaanak.
MOST READ
LATEST STORIES