Sison: De facto martial law umiiral na sa bansa

Sinabi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison na isang nasa ilalim na ng isang de facto martial law na ang bansa.

Hindi na umano kailangan ang deklarasyon ng pangulo dahil matagal na niya itong ginagawa sa pamamagitan ngmga gawa-gawang kaso sa mga kritiko ng pamahalaan at ang maraming pagpatay na itinatago sa war on drugs ng pamahalaan.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sison na papalag ang sambayanan sa mga gawain ng pamahalaan na labag sa mga umiiral na batas.

Ayon pa kay Sison, “He is increasingly engaged in mass intimidation, mass arrests and mass murders. The people are therefore already rising up against his reign of greed and terror.”

Nauna dito ay sinabi ng pangulo na magdedeklara siya ng revolutionary government kapag ipinagpatuloy ng kanyang mga kritiko ang paglaban sa mga polisiya ng pamahalaan.

Binanggit rin ng pangulo na masyado nang maraming problema ang bansa at hindi siya magdadalawang-isip na ipaaresto ang mga nasa likod ng planong idiskaril ang kanyang pamahalaan.

Read more...