P10-M na halaga ng shabu nakuha sa mag-kasintahang pusher sa Bacolod City

Inquirer file photo

Nasamsam ang aabot sa P9.6 Million na halaga ng hinihinalang shabu sa maglive-in partner sa Barangay Singcang-Airport Bacolod City.

Nakumpiska sa dalawa ang nasa 289 na sachet ng iligal na droga na pinaniniwalaang dadalhin at ibebenta sa Bacolod at sa Iloilo City.

Pansamantala munang hindi pinangalanan ng mga pulis ang mga nahuli pero sinabi nitong ang lalaki ay miyembro ng isang drug syndicate na nag-ooperate sa lungsod.

May mga isasagawa pang follow-up operations ang mga otoridad ayon sa ulat.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...